Pilipinas kong mahal.

Ang araw na ito ay makahulugan sa bansang Pilipinas. Ipinagdiriwang ng bawat Pilipino ang Araw ng Kasarinlan (Philippine Independence Day). Isang daan at labingsiyam na taon na ang lumipas simula nang unang iniwagayway ni Emilio Aguinaldo ang pambansang watawat sa Kawit, Cavite. Kung hindi dahil sa mga sakripisyo at ipinaglalaban ng ating mga bayani, hindi natin makakamit ang kalayaan mula sa mga mananakop. Nawa sila ay patuloy na maging ating inspirasyon upang tayo ay maging mas produktibo at responsableng mamamayan ng ating bansa.

Ipagdasal din natin ang Pilipinas.

*Pinili kong gamitin ang larawang ito dahil sa aking palagay, ang mga kulay sa langit ay tila kahawig ng mga kulay sa ating pambansang watawat— bughaw, pula, at dilaw. Ang larawang ito ay nagpapaalala rin na sa bawat paglubog ng araw at pagsapit ng gabi, may darating na umagang may dala-dalang bagong pag-asa. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: